Munting Hiling
Nagmahal lang ako, mali ba yun?
Di naman sinasadyang, pag-ibig ay lumalim.
Anong magagawa di na nasikil,
Patawad mahal ko, di ko lang napigil.
Pagkakamali man ito, sana’y mapatawad mo,
Subali’t di mapapangako, damdami’y mababago.
Bawat oras na nakasama ka, sadyang walang kasingsaya,
Oras-oras, minu-minuto, kahit pa nga segundo,
Tanging pangalan mo, nakaukit sa puso ko.
Mali mang minahal kita,
Wala ng magagawa hindi ba?
Dahil pag puso ang gumana,
Walang mali, lahat ay tama,
Kahit pa nga kapalit nito ay pagluha.
Kung ika’y iiwas, wag sanang biglain,
Dahil baka di ko ito kayanin.
Dahan-dahan sana, unti-untiin,
Wag sanang ulitin mapait na nakaraan natin.
Yan lang naman ang munting hiling,
Ng puso kongĀ sa’yo nahumaling.
Kung ayaw na’y iyong sabihin,
Para naman ang puso ko’y tuluyang gumaling.